Maingay na usap-usapan pa rin ang umano'y hiwalayan nina Kapuso couple Tom Rodriguez at Carla Abellana, na kakakasal lamang noong Oktubre 2021, subalit matagal nang magkarelasyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/">https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/

Bagama't hindi pa nagsasalita tungkol sa isyu, lumutang kaagad sa mga blind item na ang dahilan umano ng hiwalayan ay ang pagiging malapit daw ni Tom sa isang Kapuso talent na nakasama niya sa isang teleserye.

Sa 'Cristy Ferminute', natalakay naman ito nina Cristy at Romel Chika, na ang itinuturo nga raw ng mga 'Marites' ay si Miss Eco International 2020 1st runner up Kelley Day.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Maging ang 'Pambasang Lalaking Marites' na si Xian Gaza ay nakisawsaw na rin sa intriga.

"Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands. May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po yung mental health ko. How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal? Totoo po ba ang tsismis na itey? Or fake news lamang ito? Nyealamat po," aniya sa isang direct message sa Kapuso star.

Pinabulaanan na kaagad ni Kelley ang pagkakadawit sa isyu sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story.

Screengrab mula sa IG/Kelley Day

“Many people are speculating about my involvement in a certain rumor/blind item story that seems to have been circulating today."

"So before things get too out of hand, I’d like to clarify that I have no knowledge of/involvement with the controversy."

Maging siya man daw ay hindi niya alam kung bakit nadawit ang kaniyang pangalan sa intriga, subalit ngayon pa lamang daw ay nililinaw na niya na hindi ito totoo. Ito ay pawang akusasyon lamang.

"But what I do know is these accusations about me are false."

Iginiit ni Kelley na hindi siya buntis, gaya ng mga kumakalat na chismis na nabuntis umano siya ni Tom, ilang buwan bago ang kasal nila ni Carla. Nagpunta raw siya sa UK upang dumalo sa burol ng isang yumaong kaanak at samantalahin na rin ang pagkakataon upang makasama ang mga UK-based family members.

“I’m not pregnant (nor have I ever been).”

"I have never had anything close to romantic involvement/interest with the person. I have, and always will, the utmost respect for the couple. They have always treated me with kindness."

Umaasa naman ang beauty queen na sana raw ay matigil na ang mga isyung ito na nag-uugnay kina Tom at Carla.

"So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online."

Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pahayag sina Tom o Carla hinggil sa isyu. Marami sa mga tagahanga nila ang umaasang hindi sana totoo ang breakup rumor, o kung may gusot man sa pagitan nila, sana raw ay maayos kaagad nila.