Simula raw nang umamin na sa publiko sina Gerald Anderson at Julia Barretto tungkol sa kanilang relasyon ay naging mas bukas na sa publiko ang mga ganap nila sa isa't isa bilang mag-jowa. Dedma na raw sila sa mga basher at mga hater na hindi pa rin maka-move on sa kanilang relasyon.

Noong nakaraang holiday season ay kasama na nga si Gerald sa pagdiriwang ng pamilya ni Marjorie Barretto kung saan pinag-usapan ang regalong Rolex watch ni Gerald para kay Julia. Isang mahigpit na yakap naman ang isinukli ni Julia kay Gerald dahil unang beses lang daw niyang magkaroon ng ganoong mamahaling relo.

Mas lalong kinakiligan ng mga netizen ang mag-jowa dahil bukod sa pareho sila ng mga interes, supportive boyfriend pa umano si Gerald. Kamakailan kasi ay naglunsad si Julia ng sariling negosyo, ang 'The Juju Club', na ang itinitinda ay iba't ibang fashion accessories.

Aniya, alam naman niyang walang permanente sa mundo ng showbiz, kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ang kinabukasan niya, bukod pa sa pagba-vlog.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa isang Instagram page na ginawa ng mga tagahanga ng mag-jowa, makikita ang matiyagang pagkuha ng mga litrato ni Gerald sa naka-posing na si Julia, para sa advertisement ng mga paninda nitong accessories.

Gerald Anderson at Julia Barretto (Larawan mula sa IG/baby_love.fanpage)

"Ang pogi naman ng photographer at ang sexy ng model."

"Love is not what you say, it's what you do.. Perfect for each other. God bless you both Gerald and Julia."

"Nakaka-proud naman ang mga ito. Perfect partner talaga!! Helping each other."

"Good morning Gerald, Julia nasa bakasyon kayong dalawa? Pinakilig na naman ninyo ang fans sa buong mundo, nakatutok na sila kung ano pa ang ipakikita n'yo sa year 2022."

"Love this couple sooo much! They make me so happy."