Naibahagi ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na napanaginipan daw niya si Queen of All Media Kris Aquino, na ngayon ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa kaniyang hindi maipaliwanag na karamdaman.

Napag-usapan nila ni Romel Chika sa January 17 episode ng kanilang radio program na 'Cristy Ferminute' ang umano'y 'pandededma' ni Mel Sarmiento sa kaniyang dating fiancee.

"Bahagi ng mga panalangin ko si Kris Aquino. In fact, noong Sabado ng umaga, lungkot na lungkot ako noong gumising ako, alam ng mga kasambahay ko 'yan… paggising ko, shock na shock ako…" saad ni Cristy.

Eh bakit nga ba siya shock na shock?

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Napanaginip ko, namatay si Kris Aquino. Idinala raw siya sa ibang bansa, hindi naman sinabi kung sa Singapore o Amerika, nakadalawang linggo raw siya sa ospital, pero pumanaw rin. Iyon ang aking panaginip. Lungkot na lungkot ako kasi bago ako matulog, binigyan ko siya ng mahabang panalangin…"

Sinulat daw ni Cristy sa kaniyang kolum sa isang tabloid na kung ang interpretasyon ng panaginip ay kabaligtaran, mas nanaisin pa niyang mapanaginipan si Kris para naman mas humaba pa ang buhay nito, gumaling, at magkaroon naman ng saysay ang marami nitong salapi.

Sa kabilang banda, hindi rin naman daw nagustuhan ni Cristy ang sinabi ni Kris na 'It's not my lost' hinggil sa paglayo sa kaniya ni Mel.

"Sa akin lang… personal kong pananaw ito… kapag pinasok mo ang isang relasyon, hindi ka dapat nagsasabi na 'It's not my lost,'" at ginawa pang halimbawa ni Cristy ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

"Kapag pumasok ka sa isang relasyon, iyan ay desisyon mo, na hindi mo dapat isisi sa ibang tao… batang pag-ibig, matandang pag-ibig, pinasok mo 'yan, lumigaya ka minsan sa isang panahon. Kapag naghiwalay na kayo, huwag mo nang wasakin! 'Di ba? Kasi wala namang nagtulak sa iyo eh, eh kung sana hinilawod kita palapit kay Mel Sarmiento, eh hindi eh… nagulantang na nga lang ang publiko nang bigla mong sabihin na kayo na at engage na kayo eh," sey pa ni Cristy.

"Yung it's not my lost hindi na dapat sinasabi 'yun, eh paano kung sumagot bigla si Mel Sarmiento, 'It's not my lost either'…"

Katahimikan daw ni Kris Aquino ang hiling ni Cristy para makatulong sa agaran nitong pagpapagaling.