Game talaga si Korina Sanchez-Roxas sa pagsagot sa kaniyang mga basher na nag-iiwan ng patutsada at komento sa kaniya, sa mga post niya sa social media.
Kamakailan lamang ay nag-post si Korina ng dalawang litrato niya habang naka-bathing suit at nasa beach. Ginawa niya ito kahit na kinuyog siya ng mga netizen dahil sa isang post niya, na hindi pa siya tinatamaan ng COVID-19 dahil marahil umano sa kaniyang ginagawang pagtulong. Agad niya itong inedit at dumipensang 'miscalculation of words' lamang ang nangyari.
"I refuse to be a victim. Infected or not, I remain positive. Kaya natin itoh," saad ni Korina sa caption.
"Thank you Lord for the sun, sea and air… and for our HEALTH. Celebrating survival and victory over this virus. We are God’s creations. We will prevail."
"But please be VACCINATED and Lets all be safe! Sabi nga No one is Safe until everybody is Safe!" aniya pa.
Isa sa mga nagkomento rito ay ang dating kasamahan sa ABS-CBN at kasalukuyang news anchor ng 'TV Patrol' na si Bernadette Sembrano. Aniya, "Tapang!"
"Kelangan eh," tugon naman ni Koring.
Marami rin sa mga netizen ang pumuri sa kaseksihan ng ina nina Pepe at Pilar at misis ni Mar Roxas.
"So sexy Ma'am Korina #NanayNiPepeKagPilar."
"Yes and continue to inspire people with Pepe and Pilar. #bestlife."
"Thank you Korina for the encouragement our people need that instead of FEAR to overwhelm them, fear not for I am with you says the Lord."
"Agree! It’s just a virus, our God is greater than Covid."
"Hi Korina - I am a fan. Mula bata pa ako gusto ka na ng family namin. Feisty, not perfect at sino ba ang perfect? You have visited our town Plaridel Misamis Occidental. Thank you very much for promoting our little island paradise. Bawbawon. You take care and keep doing you!"
"Sa panahon ngayon kailangan remain negative lang."
Ngunit may isang netizen na nagkomentong 'feeling' niya ay si Kapamilya actress Barbie Imperial daw siya.
"Feeling Barbie Imperial," sabi ng netizen.
Sagot ni Korina, "Mas maganda naman siya."