Nanalo ng mahigit sa ₱65 milyong jackpot ang isang taga-Albay sa isinagawang draw ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.
Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng nabanggit na mananaya ang winning combination na 39-29-09-21-19-20 na may katumbas na premyong ₱65,991,571.
Sinabi ng PCSO, nabili ang ticket sa Tabaco City sa Albay.
Kaagad namang pinayuhan ng ahensya ang nanalo na magtungo lamang sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid IDs, kasama ang winning ticket upang makubra ang premyo nito.