Isinapubliko ni Cagayan Governor Manuel Mamba nitong Linggo, Enero 16, na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang asawang si Mabel.
Nakaratay na ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang mag-asawa kahit nakararanas lang sila ng mild symptoms dahil kanilang hypertension at diabetes.
Ipinaliwanag ng gobernador, bakunado na sila at nabigyan na rin ng booster shots, gayunman, tinamaan pa rin ang sila ng virus.
Sa Facebook post naman ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO), sumailalim ang mag-asawa sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test nitong Biyernes at kinabukasan ay lumabas ang resulta ng pagsusuri kung saan positibo ang mga ito sa sakit.
“We seek patience from you for not being able to answer your calls and texts as we are confined. Please pray for us,” apela pa ng gobernador.
PNA