'From pando-dogshow to reality.'

Kinagiliwan ng netizens ang bagong mukha ng kalendaryo ng isang local whisky brand sa Pilipinas.

Ipinakilala ng White Castle Whisky ang social media personality na si Sassa Gurl bilang bagong calendar model nito ngayong 2022.

"Nung 2021, ang calendar model namin, yung laging taga-luto tuwing may inuman.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngayong 2022, ang calendar model namin, ang laging nagpapainom tuwing may inuman. Ang aming White Castle 2022 Calendar Model, walang iba kundi ang Mima nyong busog, Sassa Gurl," pahayag ng White Castle Whisky.

"Maya na kayo mag-maoy. Sinong nagsabing babae lang pwedeng maging Calendar Model? Ilabas nyo na ang White Castle at ang chaser, basta si Sassa Gurl ang pulutan ha?" dagdag pa ng whisky brand.

Ikinatuwa naman ng mga taga-hanga ni Sassa Gurl ang balitang ito dahil mula sa pangbabarda tulad ng mga edited photos, natupad na ang wish ng fans na maging calendar model ang social media star.

"I-set na ang inom!!!! Ako na agad ang pulutan. Ano na Bea at Chie tara!!! SHOT PUNO!!! BASAGAN!!! chares," ani Sassa Gurl sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa niya, "Nagbunga na ang pagpapainom natin mga bakla! Para to sa mga baklang umaawra sa inuman at nazezero, eto na tayo na ang naka booking sa calendar gurl."