Talaga namang palaban at hindi papatalo ang dating internet sensation at ngayon ay young star na si Awra Briguela, matapos niyang sunugin ang basher na nagsabing 'feeling close' daw siya sa Viva actress at tinaguriang 'Drama Princess' ng TV5 ngayon na si Julia Barretto.

Nagkomento kasi si Awra sa isa sa mga Instagram posts ni Julia nitong Enero 10 kung saan tila nasa beach si Julia, na may

188,370 reactions na.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Julia Barretto (Larawan mula sa IG)

"I love you love! I miss you!" komento ni Awra.

Tumugon naman dito si Julia na ang tawag pa sa kaniya ay 'baby sis' at mukhang close naman talaga sila ni Awra.

"@awrabriguela miss and love you baby sis!"

Maya-maya, may basher na nagkomento na "@awrabriguela feeling close ka."

Pambabasag ni Awra, "Parang ikaw."

Screengrab mula sa IG/Julia Barretto

Sa ngayon ay mapapanood si Awra sa digital series na 'The Kangks Show' ni Angelica Panganiban sa WeTV Philippines, na nangunguna na ngayon at number 5 naman sa WeTV US.

Simula nang sumikat si Awra dahil sa kaniyang 'pag-awra' sa social media, siya ay nabigyan ng showbiz exposure. Una siyang nabigyan ng pagkakataong umarte sa longest-running action drama series na 'FPJ's Ang Probinsyano (2016–2019),' dahil personal daw siyang pinili ng lead star at direktor nitong si Coco Martin.

Naitampok ang kaniyang talambuhay sa 'Maalaala Mo Kaya (MMK)' noong 2016.

Noong 2017, siya ang itinanghal na kampeon sa unang season ng 'Your Face Sounds Familiar: Kids.'

Siya ay isa sa mga anak-anakan ni Unkabogable Phenomenal Star at TV host Vice Ganda.