Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Enero 11.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng diesel, P0.90 sa presyo ng kerosene at P0.75 naman sa presyo ng gasolina nito.

Ayon pa sa anunsyo ng kumpanya, ang dagdag-presyo ng kerosene ay hindi naman ipatutupad sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.

Agad itong sinundan ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Caltex sa kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Bella Gamotea