Marami ang natutuwa sa photos ni Kendra Kramer, ang panganay na anak nina Doug at Cheska Kramer o mas kilala sa tawag na 'Team Kramer' dahil pang-supermodel daw ang awrahan nito sa mga Instagram photos, at baka nga raw maging kandidata pa sa mga beauty pageants, partikular sa prestihiyosong Miss Universe.

Noong Linggo, Enero 9, ay mismong si Doug ang proud na nagbahagi ng litrato ng kaniyang anak sa kaniyang Instagram account.

"No one in this world can love you more than me. I love you," caption ni Doug sa kaniyang IG post. Ang litrato ay kinunan ng photographer na si Jerick Sanchez at ang styling naman ay ginawa ng glam team na sina Rain Dagala, Em Millan, at Jay Wee.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kendra Kramer (Screengrab mula sa IG/Doug Kramer)

Pinusuan naman ito ng mga netizen at napa-wow sa taglay na beauty and charm ni Kendra.

Maraming nagsasabing maaari itong maging supermodel paglaki nito, at baka sumunod pa sa yapak ng mga naging Miss Universe na Pilipina gaya nina Gloria Diaz, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray. Napansin nga ng mga netizen na para umano itong 'Young Catriona.'

"Napakagandang bata! Our future Miss U!"

"Little Catriona!"

"Young Catriona indeed!"

"Okay, Queen Kendra!"

"Sana maging model siya in the near future. Ang ganda ng lahi nina Cheska at Doug!"

Kendra Kramer (Screengrab mula sa IG)

Ang dalawa pang anak nina Doug at Cheska ay sina Scarlett Louvelle at Gavin Phoenix.