Kahit si radio, television newscaster at host Arnold Clavio ay nagpositibo rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang Instagram post, ipinaliwanag ni Clavio na minabuti niyang sumailalim sa antigen test matapos makasalamuha ang isang nagpositibo nitong Huwebes.

Ito ang unang pagkakataon na nahawaan ng virus si Clavio mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.

"Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of vitamin D, tinamaan pa rin ako," pagpapaliwanag ni Clavio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inamin nito na nakararanassiya ng mild symptoms, katulad ng ubo kaya nag-quarantine na ito upang hindi na makahawa pa ng iba.