Nakapagtala pa ng 94 na bagong bilang ng kaso ng COVID-19 ang Philippine Coast Guard (PCG).

Nilinaw ng PCG, karamihan sa mga ito ay miyembro ng Task Force Kalinga at tripulante ng mga barko ng PCG na patuloy na nagsasagawa ng relief transport mission.

Ang mga ito ay dinala na sa PCG quarantine facility sa Coast Guard Base sa Taguig upang sumailalim sa quarantine.

Kaagad namang hiniling ni PCG Rear Admiral Ronnie Gil Gavan na siyang ring Task Force Kalinga commander, sa Philippine Ports Authority (PPA) na tumulong sa operasyon ng kargamento upang matiyak ang walang hadlang sa relief transport mission.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Beth Camia