Nilinaw ng Malacañang na buong Pilipinas ang saklaw ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na 'no vax, no labas' upang mahigpitanang galaw ng mga hindi bakunado laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang ipinakahuluganniCabinet Secretary Karlo Nograles sa naging direktiba ng Pangulo sa mga barangay chairman na kontrolin ang mga hindi pa fully vaccinated na mga indibidwal sa kanilang nasasakupan.

Kahit anuman aniya ang alert level ng mga local government units (LGUs) ay saklaw ng nabanggit na kautusan ng Pangulo.

“It appears kagabisa declaration, pronouncements at direktiba ni Pangulo, it appears na regardless at nationwide po iyan," paglalahad nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang tinutukoy ni Nograles ang“Talk to the People” public briefing ni Duterte nitong Huwebes kung binanggit muli ang kautusan nito sa mga kapitan upang maprotektahan ang kanilang nasasakupan sa banta ng COVID-19.

"Kung pakikinggan natin ang salita ng ating Pangulo, ang kaniyang instructions ay iyong mga barangay kapitan ay makikiusap sa ating mga residente.Kapag unvaccinated at hindi essential at hindi naman dahil sa trabaho ay huwag munang lumabas dahil ito po ay para sa kaligtasan atproteksyonng ating mga unvaccinated at ng buong komunidad," lahad pa ni Nograles.

Ellson Quismorio