Hindi bababa sa 15 miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibosa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Col. Randolph Cabangbang, hepe ng PSG, sa Malacañang reporters nitong Huwebes, Enero 6.
Ayon kay Cabangbang, ang 15 miyembro ng PSG ay bakundo laban sa COVID-19 at lahat sila ay asymptomatic.
Ang PSG angnagbibigay ng close-in security kay Pangulong Duterte.
Wala umanong contact o interaction ang mga nagpositibo kay Pangulong Duterte sapagkat ang mga ito ay galing sa "break."
Ellson Quismorio