Ibinabala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang paggamit ng pekeng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination card ay mahigpit na ipinagbabawal.
"Huwag nang tangkain pa ang mandaya o gumamit ng pekeng card dahil ito ay paglabag sa batas at may karampatang parusa," ayon sa babala ng MMDA.
Sa MMDA Resolution No. 22-01 na inaprubahan ng Metro Manila Council, sinumang indibidwal o anumang establisimyento na mamemeke ng COVID-19 vaccination card ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3815 o Revised Penal Code na inamyendahan alinsunod sa Section 12 ng Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Bella Gamotea