Nagtalaga ng karagdagang tauhan ang Pasay City police sa 18 hotel sa lungsod na nagsisilbing quarantine facility kasunod ng sorpresang inspeksyon upang matiyak ang kanilang pagsunod sa quarantine protocols.

Ang mga sorpresang inspeksyon ay isinagawa upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente sa Makati City na kinasasangkutan ng paglabag sa quarantine ng tinaguriang “Poblacion girl” na si Gwyneth Ann Chua.

Ayon kay Col. Cesar Paday-os, hepe ng Pasay City police, agad na ipinakilala sa mga accredited hotels na ginagamit bilang quarantine facility para magsagawa ng inspeksyon ang lahat ng 10 Pasay City police station commanders.

Sinabi ni Paday-os na inilunsad ang sorpresang inspeksyon upang matukoy kung ang kabuuang 1,475 na indibidwal na nasa ilalim ng quarantine ay nananatili sa mga accredited na hotel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi niya na ang mga kawani ng hotel ay inatasan din na magsagawa ng regular na pagsusuri sa bilang ng mga indibidwal na naka-quarantine sa kanilang lugar.

Hiniling din sa pamunuan ng hotel na gumawa ng ulat sa bilang ng mga indibidwal na ilalabas sa isang araw.

Pinayuhan din ng pulisya ang mga opisyal ng quarantine hotels na tiyaking gumagana ang kanilang mga CCTV bilang mandatory requirement at ang mga pamilya ng mga bisita ay pinagbabawalan na maexpose sa indibidwal na naka-quarantine.

Sinabi ni Paday-os na maglalagay din ng police assistance desks (PADs) sa bawat quarantine facility para matiyak na walang lalabag sa quarantine rules.

Jean Fernando