Ipinagdiwang nina Kapuso Primetime King and Queen couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang 7th wedding anniversary bilang mag-asawa.

Para kay Dingdong, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang 'tindig-balahibo' moment niya sa tuwing naaalala ang kanilang marangyang kasal ni Marian, batay sa kaniyang Instagram post. Ito ay nang masaksihan ng lahat ang paglakad ni Marian sa pasilyo ng simbahan, sa saliw ng orkestra, sa baton ng kaniyang mismong guro sa Grade School.

Dingdong Dantes at Marian Rivera (Screengrab mula sa IG/Dingdong Dantes)

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

"One of the highlights of our wedding day for me was Marian’s walk. She was accompanied by the majestic voices of the Ateneo and La Salle Boy’s choir to the tune of Angelo Badalamenti’s The Beach theme score, as orchestrated by my grade school music teacher Ms. Daisy Marasigan," ani Dingdong.

"Their faces may be defocused as seen in this shot, but the memory of how glorious and magical that moment was is a core memory of mine and will forever have that 'tindig balahibo' mark," saad pa ni Dingdong kalakip ang litrato ng kanilang kasal ni Marian, pitong taon na ang nakalilipas.

"That was seven years ago."

"Happy anniversary, @marianrivera!"

Si Marian naman ay nag-post din sa IG ng kanilang litrato ni Dingdong na may caption na "Today, tomorrow, always. #HappyAnniversaryDada."

Tumugon naman dito si Dingdong ng 'I love you' at 'Sige today.'

Kinilig naman ang mga netizen, lalo na sa huling sinabi ni Dong na mukhang may balak daw gawin.

"Alam naaa haha. Happy anniversary to you both."

"Pilyo tlaga to si idol, sige go baby no.3 na po today."

"Today po ba ang alin?"

"Praying for baby no. 3!"

Dingdong Dantes at Marian Rivera (Screengrab mula sa IG/Dingdong Dantes)

"Iba naman daw ang titindig today, haha, dati kasi balahibo eh."

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong Disyembre 30, 2014 sa isang simbahan sa Quezon City. Sa kasalukuyan ay may dalawa na silang anak: ang panganay ay si Zia at ang bunso naman ay si Ziggy.