Bagamat sinagasaan ng bagyong Odette ang bansa na nagdulot ng mahigit sa 9 bilyong pinsala sa agrikultura, sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na dapat pa ring magpasalamat ang mga Pilipino sa patuloy na biyaya o blessings na tinatanggap nila kasama ang panalangin sa mga biktima na namatay o kaya'y nasugatan at nagkasakit.
Sa kanyang New Year Message, tiniyak ni Velasco na ang mga kasapi ng Kamara ay mananatiling maglilingkod at magtatrabaho para matulungan ang mga apektadong mamamayan.
"We in Congress continue to do our mandate to craft meaningful laws that will uplift the life of every Filipino. As House Speaker, I am grateful for our Members as we have enacted more than 130 laws this year, including the National COVID-19 Vaccination Program Act and the 2022 General Appropriations Act recently signed into law by President Rodrigo Roa Duterte," ayon sa Speaker.
"We have come a long way since last year when we felt seemingly hopeless against the wave of COVID-19 infections. With more and more people getting vaccinated, the number of cases has now dropped to a manageable level, allowing our economy to open up and enabling us to enjoy relaxed social and economic restrictions. Let us all stay vigilant and build upon this momentum so that 2022 can bring about changes that will lead us further towards recovery, resilience and prosperity," ani Velasco.
Gayunman, nagbabala siya sa mga tao na mag-ingat at sundin ang mga health protocol dahil sa paglitaw ng Omicron variant na ngayon ay nagpapataas na muli sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Samantala, umapela siya sa mga mamamayan na magdasal para sa pagkakaroon ng malinis, mapayapa at maayos na halalan sa Mayo 2022.
"Kinokondena namin ang mga karahasan na may kaugnayan sa eleksiyon. The culture of violence that has characterized the country’s electoral process must come to an end. Ang bawat isa ay dapat paalalahanan na hindi isang lehitimo o kanais-nais na paraan sa pagdaraos ng halalan ang pagsasagawa ng karahasan. It is the contest over issues and the exercise of one’s civil duty and expression of choice through the ballot that matter," bigay-diin ni Velasco.
"On behalf of your House of the People, I wish us all a truly happy and prosperous 2022!"Bert de Guzman