Hiniling ni Senador Christopher “Bong” Go nitong Sabado, Enero 1, ang masusing imbestigasyon kung paano nakalusot ang isang babaeng nahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa isang quarantine facility sa Makati City para lang dumalo sa isang party noong Disyembre 23.

‘’As chairman of the Senate Committee on Health, I demand that a thorough and immediate investigation be conducted on the matter. I laud the DOT (Department of Tourism) and other agencies for their prompt action,’’sabi ni Go.

Pagpapahayag ng kanyang pagkabahala sa insidente, umapela si Go sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ‘’to look at a possible syndicate operating wherein people, who are required to undergo the mandatory quarantine, are able to skip it by paying certain sums of money.’’

Ilang indibidwal sa party kung saan dinaluhan ng babae na mula sa Amerika ang naiulat na nahawaan ng kinatatakutang virus.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

‘’Kaya dapat tingnan din kung meron bang modus operandi, mula sa mga paliparan hanggang sa mga quarantine facilities,” pagpupunto ni Go.

‘’Kasuhan kung kinakailangan at parusahan na naaayon sa ating batas. Tingnan din dapat kung ano ang mga liabilities ng hotel at ipataw ang kaukulang parusa. Hindi natin pinapalampas ang mga ganitong klaseng gawain,” dagdag ni Go.

Aniya, ‘’Hindi biro ang kinakaharap nating pandemya at napakalaki na nang nagastos ng gobyerno sa ating COVID-19 response. Lalo na ngayon, ayon sa pinakahuling ulat, na umakyat na naman ang positivity rate ng COVID-19 sa NCR at 14 percent. Posibleng magdulot ito ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso sa buong bansa."

‘’Dapat walang pabor-pabor pagdating sa regulasyon. Kahit taga gobyerno ka man o marami kang perang pambayad, dapat maparusahan ka kung mapatunayang may paglabag kang ginawa. Sana magsilbi itong babala sa lahat.”

Mario Casayuran