Naramdaman sa Benguet ang pinakamalamig na temperatura sa Pilipinas ngayong 2021.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ng weather station nito na nasa Benguet State University sa La Trinidad, ang 7.7 degrees celsius nitong Biyernes, Disyembre 31.
Nasapawan nito ang 7.9 degrees celsius na naramdaman sa nasabing lugar noong Pebrero 2021.
Paliwanag naman ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, bukod sa Benguet, naitala rin ang bagsak na temperatura saBaguio City (10.6°C, Dec. 31, 2021);Basco, Batanes (16.0°C, Dec. 4, 2021);Laoag City, Ilocos Norte (17.5°C, Dec. 30, 2021);Tuguegarao City, Cagayan (18.0°C, Dec. 30, 2021);Vigan, Ilocos Sur (19.7°C, Dec. 2, 2021); at Science Garden, Quezon City (20.1°C, Dec. 31, 2021)
“Pagpasok pa rin ng Enero,mararamdaman natin ang patuloy na paglamig [ng ihip ng hangin dulot ng amihan] at ang pinakamababang temperatura nga ay nakikita natin usually pagpasok ng Enero," pahayag pa nito.
Charie Mae Abarca