Muling nagpamalas ng angking galing ang world star Pinoy pop group na #SB19 sa bagong MV ng kanta nilang 'SLMT.'

Ang kanta ay naglalaman ng lyrics ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa pag-abot ng pangarap.

"Ako'y nagpapasalamat (Thanks!) sa lahat ng sumabay sa paglalakbay ko. Patungo sa 'king pangarap (Hey!). Lagi ko kayong tanaw sa paglipad. Ako'y nagpapasalamat (Thanks!) sa mga naniwala sa 'king abilidad. Sa paggapang ko na banayad (Hey!). Tatanawin ko kayo sa 'king paglipad," chorus ng kanta.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Umabot sa 20,000 views ang music video sa loob lamang ng dalawang oras, na ngayon ay lumampas na sa 100K views.

Ngayong Disyembre rin, itinalaga ang SB19 bilang bagong "Youth and Sentro Rizal Ambassador" ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA.

Basahin: SB19, bagong ‘Youth and Sentro Rizal Ambassador’ ng NCCA

Ayon sa NCCA, itinalaga ang nasabing P-pop group hindi dahil sa lumalago nitong “fanbase” at impluensya kundi ang kagustuhan din ng grupo na tumulong sa mga adhikain ng komisyon.

Dagdag pa rito, ang pagpapahalaga ng SB19 sa musika at kultura ng bansa ay talagang makikita hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, na siya namang mandato ng komisyon.

Kaugnay rito, naging trending rin ang grupo matapos agawin ng SB19 ang trono ng K-pop group na BTS sa top spot sa Billboard Hot Trending Songs Chart nitong Disyembre 8.

Basahin: ‘Bazinga’ ng SB19, naungusan ang global hits ng BTS sa Hot Trending Songs Chart ng Billboard

Ang Billboard Hot Trending Songs Chart ay nagbibigay ng real time na data sa mga pinakapinag-uusapang kanta sa social media platform na Twitter.