Nakahanda na ang Las Piñas City government sa posibleng pagtama ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang nasasakupan.

Ito ay matapos ihayag ni Vice-Mayor April Aguilar na pinulong na nito ang mga doktor ng Las Piñas City Health Office na kasalukuyang tumututok laban sa COVID-19 kaugnay ng mga hakbang ng lungsod sakaling mahawaan ito ng variant.

Pinagtuunang-pansin din ng bise alkalde ang proseso ng contact tracing bilang paghahanda sakaling may makapasok na Omicron variant sa lungsod.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso ng Omicron variant sa siyudad kaya nanawagan ang bise alkalde sa mga residente na ipairal pa rin ang minimum health standards upang makaiwas sa sakit.

Politics

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'

Bella Gamotea