Kahit sa Navotas City ay tumaas din ang bilang ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inamin ni City Mayor Toby Tiangco kaya muling umapela ito sa kanyang mga nasasakupan na magpabakuna na sa lalong madaling panahon.

Nitong Miyerkules, Disyembre 29, nakapagtala ang lungsod ng 44 na kaso ng sakit na mas mataas kumpara sa naitalang pinakamababang tatlo kaso nitong Disyembre 18.

Sa ngayon, aabot na sa 68 ang aktibong kaso ng sakit sa siyudad, ayon sa alkalde.

National

Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

Aaron Dioquino