Sa layuning mapasaya ang mga preso ngayong holiday season, muling binuksan ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang pintuan nito para sa mga bisita ng persons deprived of liberty (PDLs).

Isa rin sa layunin ng Bureau of Corrections (BuCor) na maitaas ang moral ng mga preso at mapalapit muli ang mga ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Since the start of the pandemic, the visitation privilege of PDLs was cancelled in order to protect their welfare and prevent the spread of COVID-19 virus inside the camp,” ayon sa BuCor.

Sa ilalim ng mga alituntunin, sinabi ng BuCor na kinakailangang magsuot ng face masks at face shields ang mga bisita, at magpakita ng vaccination cards o negative rapid antigen test result na hindi lalampas sa 24 oras, upang makapasok sa Bilibid.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Itinakda ang visitation hours mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon para sa PDLs sa Building 1 tuwing Miyerkules; sa Building 2 naman ay tuwing Huwebes; Building 7 kada Biyernes; Building 5 at 6 kada Sabado; at Building 4 at ICA Dorm tuwing Linggo.