Malungkot ang netizens sa balitang inihatid ng frontman ng bandang Coldplay na si Chris Martin matapos nitong sabihin na hindi na magre-release ng kanta ang banda ng mga bagong kanta sa taong 2025.

Ito ay inanunsyo ni Martin sa "Radio 2" noong Disyembre 22.

"Our last proper record will come out in 2025, and after that I think we will only tour," rebelasyon ni Martin.

Dagdag pa niya, "And maybe we'll do some collaborative things but the Coldplay catalogue, as it were, finishes then."

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Matatandaan na noong Oktubre sinabi ni Martin sa "The NME" na nais pa nilang makapag-labas ng tatlong bagong album ngunit wala pa silang inilabas na petsa para sa mga ito.

Kasalukuyan nang mayroong siyam na album ang Coldplay. Pinakahuli rito ang album na pinamagatang "Music Of The Spheres."

Nananatili pa ring positibo si Martin na makakapag-world tour ang banda kahit tumigil man ito sa pagre-release ng mga bagong kanta.

Aniya, "in the way that the [Rolling] Stones do, it will be so cool if we can still be touring in our late 70s."

"That will be wonderful if anybody wants to come," dagdag pa ni Martin.