Dalawang personalidad sa showbiz ang nagpatotoo umano sa kalidad ng negosyong cochinillo o roasted piglet ni Marvin Agustin, na kamakailan lamang ay naging usap-usapan dahil sa mga reklamong natanggap mula sa mga customers.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/27/cochinillo-ni-marvin-agustin-inireklamo-ng-mga-customers-i-will-learn-from-this/">https://balita.net.ph/2021/12/27/cochinillo-ni-marvin-agustin-inireklamo-ng-mga-customers-i-will-learn-from-this/

Una na rito ang mismong showbiz columnist na si Ogie Diaz, na nag-post sa Facebook nitong Disyembre 26, sa paghahanap niya ng cochinillo o lechon seller na masarap talaga ang paninda at hindi 'budol' o terminong ginagamit kapag masyadong na-hype sa advertisement ang isang produkto, ngunit ibang-iba naman sa aktuwal.

"Looking for cochinillo or lechon seller na masarap talaga at hindi budol. Any reco? Teka, hindi po yung seller ang kakainin ha?" pabirong sabi ni Ogie.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

May mga nagrekomendang netizen na subukin niya ang cochinillo ni Marvin Agustin.

"Marvin Agustin is the name!" saad ng isang netizen.

Tugon naman ni Ogie, "Natikman ko na yung cochinillo ni Marvin, baka lang hindi kami nagkasundo nung biik sa lasa. Hahaha! Kaya hanap uli."

Tinag pa ni Ogie ang direktor na si Darryl Yap. "Ikaw, Darryl Yap?"

"Ogie Diaz hindi po ako nasarapan Mama Ogs, sobra sa mantika, kahit po ang sauce. Nag-feedback naman po ako, baka nataon lang din sa akin— charot," tugon naman ng direk.

"Darryl Yap hahaha! Olaaaay kaaa, direk!" tugon naman ni Ogie.

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Sa kaniyang showbiz vlog nitong Disyembre 28, pinayuhan ni Ogie si Marvin na i-refund niya ang bayad ng mga nadismaya sa cochinillo niya. Isa ito sa mga naging paksa nila.

"Eh, kasi naman ‘Nay (tawag kay Ogie) sa pagkain relative ‘yan, eh. ‘Yung masarap sa ‘yo hindi masarap sa iba, ‘yung masarap sa iba hindi masarap sa ‘yo,” saad ni Mama Loi na co-host niya.

"Ikaw ba nakatikim na?” tanong ni Ogie.

"Natikman ko na rin ‘yun," sagot naman ni Mama Loi.

“Sino kasama mo?" untag ulit ng showbiz columnist-vlogger.

"Ikaw! Hahahaha!" natatawang sabi ni Mama Loi.

Natikman umano nila ang cochinillo ni Marvin sa isang birthday party.

"Tinikman natin 'di ba? Totoo ba ito? Oo 'di ba, grabe ‘yung hype, ‘yung press release, ‘yung marketing strategy na takam na takam si Marvin Agustin sa lechon tapos ng tinikman namin, ganito lang ‘to?”

Pati raw sauce ay mamantika rin at hindi nila nagustuhan.

Kaya payo ni Ogie kay Marvin, "Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint."

“Yung mga tao na nag-expect ng too much from his cochinillo. Tingnan natin sa mga susunod na araw ay mag-update siya. Sana ang update ni Marvin ay, ‘Ito na po ‘yung mga nasoli naming bayad."

"So, Marvin alam naman natin na ikaw ay isa nang chef at entrepreneur at ilan na rin ang mga restaurants mo na sabi mo nga, di ba, mas maganda kung ibalik natin ang mga tiwala ng customers natin," aniya pa.

Samantala, wala pang bagong update o post si Marvin tungkol sa isyu, at ang latest ay ang quote cards ng kaniyang paghingi ng tawad sa mga nadismayang customers, na aminado naman niyang pagkukulang nila, dahil sa mga 'unforeseen circumstances.' Nangako naman siya na pagbubutihin pa nila sa susunod.