Mahigit sa 3,000 na undesirable foreigners ang ipinatapon na ng Bureau of Immigration (BI) sa kani-kanilang bansa sa nakalipas na 11 buwan ng taon.
Paliwanag ni BI Commissioner Jaime Morente, kabuuang3,143 na dayuhan ang pinabalik ng Philippine government sa pinanggalingang mga bansa dahil karamihan sa mga ito ay sangkot sa iba't ibang krimen.
Ang iba aniya sa mga ito ay overstaying at natuklasang lumabag din sa umiiral na kondisyon ng pananatilisa bansa.
Karamihan aniya sa mga ito ay Chinese, Korean, Japanese at Amerikano.
Idinagdag pa nito na blacklisted na rin ang mga pinabalik sa kani-kanilang bansa upang hindi na bumalik pa sa Pilipinas.