Natimbog ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher matapos masamsaman ng₱1.2 milyonghalaga ng iligal na droga sa Valenzuela City nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nakakulong na sinaGerhel Jumawan, alyas “Dan-Dan,” 36, binata at Jeorge Javier, alyas “Jay-Jay,” 35, kapwa taga-No. 571 Ignacio Compound, Sta. Quiteria, Caloocan City.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang pulisya sa Gen. T. De Leon Road, Brgy. Gen. T. De Leon na ikinaaresto niJumawan nang bentahan umano nito ng illegal drugs ang isa sa poseur buyer.

Naaresto rin si Javier kung saan nakumpiska sa kanila ang 186 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng₱1,258,000.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Isinasailalim pa sa imbestigasyon sina Jumawan at Javier upang matukoy ang pinagkukunan nila ng iligal na droga.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Orly Barcala