Patuloy na naghahangad ng katarungan at katuwiran ang opposition Senator na si Leila de Lima mula sa lahat ng “gawa-gawang” mga kaso na isinampa laban sa kanya, at ang makasama ang kanyang mga mahal sa buhay matapos muling magpalipas ng Pasko sa piitin sa ikalimang pagkakataon.

Sinabi rin ni De Lima na umaasa siya sa pagbangon ng bansa at kanyang mga kapwa Pilipino mula sa kasalukuyang krisis, at kalayaan mula sa “mapaghigante at kurakot na gobyernong ito.”

Ito ang ikalimang pagkakataon na si De Lima, ang tanyag na bilanggong pulitikal sa ilalim ng rehimeng Duterte, ay nagpasko sa piitin mula pa noong Pebrero 24, 2017.

Ipinagdiwang niya ang Araw ng Pasko kasama ang mga piling miyembro ng pamilya na inasahang bibisita sa kanya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

“Bitbit ang diwa ng Paskong puno ng pag-asa, mangarap tayo, kumilos at magpasya sa susunod na taon, para sa marangal na kinabukasan. Bawat pagsubok ay kaya nating lampasan, basta’t tayo ay nananalig at nagkakaisa,” ani De Lima.

“Isang taos puso ring pasasalamat sa lahat ng mga nanguna at nagbubuhos ng oras, lakas at dedikasyon para makatulong sa kapwa. Ginagawa ninyo ang pakikiisang ito kahit kayo – tayong lahat – ay nakakaranas rin ng hirap at pagsubok sa ating sarili at pamilya,” dagdag ng senadora.

Mario Casayuran