Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 433 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo, Disyembre 26.
Batay sa case bulletin #652, nabatid na umaabot na ngayon sa 2,838,640 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.3% na lamang o 9,522 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 3,574 ang mild cases; 3,339 ang moderate cases; 1,777 ang severe cases; 458 ang asymptomatic at 374 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 283 bagong gumaling sa sakit, sanhi pang umabot na sa 2,777,918 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.9% ng total cases.
Nasa 13 lamang naman ang naitalang namatay sa karamdaman.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,200 total COVID-19 deaths o 1.80% ng total cases.
Mary Ann Santiago