Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naihatid na ng Japan ang emergency assistance packs nito para sa mga biktima ng bagyong 'Odette' nitong Disyembre 24.

Sa naganap na arrival ceremony sa NAIA Compound nitong Biyernes, ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang pangako ng Japan sa Pilipinas ukol sa disaster relief assistance. 

Kabilang sa ipinadalang tulong ng Japan ang mga generator, sleeping mattress, sleeping pad, dome tent, jerry can, at plastic sheet na namula pa sa Japan International Cooperation Agency (JICA) storage sa Singapore. 

Personal namang tinanggap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Director Emmanuel Privado ang nabanggit na tulong ng naturang bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bella Gamotea