Kumpiyansa ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na malalansagng gobyerno ang Communist Party of the Philippines (CPP) bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Naniniwala siDND Secretary Delfin Lorenzana na humihina na ang kilusan bunsod na rin ng whole-of-nation (WON) approach ng pamahalaan sa paglutas sa problema sa insurhensya.

Naglabas din ng kahalintulad na pahayag angAFP nitong Araw ng Pasko, Disyembre 25, bago pa ganapin ang ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPP sa Disyembre 26.

“As we celebrate the Christmas season, we are also reminded of the national cancer thatcontinues to ravage our country – the Communist Party of the Philippines. For more than five decades, the CPP has brought nothing but misery, loss of lives, destruction of property, and denial of a bright future for many Filipinos,” pahayag ni Lorenzana.

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Dapat aniyang mapagtanto ng CPP na walang katuturan ang mahabang panahon ng paggigiit ng mga ito sa kanilang ideolohiya at hindi makakristiyanong prinsipyo sa mamamayan.

“The influence of the CPP will continue to diminish as the government implements a whole-of-nation (WON) approach, where the people themselves are in the forefront of the fight,” aniya.

Matatandaanginilunsad ng Pangulo ang tinatawag na WON approach noong Disyemre2018 nang buuin nito angNational Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na may layuning mawakasan ang insurhensya sa bansa bago matapos ang kanyang termino.

“Since the WON was started in 2018, we saw the flood of surrenderees and capture or killing of ranking NPA cadres. At last the people are fed up and are rising up against them,” pahayag pa ng opisyal.

Martin Sadongdong