Asahan ang napipintong pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bababa ng₱0.80 hanggang₱0.90 ang presyo ng kada litro ng kerosene,₱0.60-₱0.70 sa presyo ng diesel at₱0.10-₱0.30 naman ang inaasahang ibabawas sa presyo ng gasolina.

Resulta lamang ito ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Huling nagpatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis nitong Disyembre 7 kung saan binawasan ng₱2.70 ang presyo ng kerosene,₱2.65 sa diesel at₱2.40 naman sa gasolina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bella Gamotea