Tuluyan nang nalusaw ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) kung kaya't maaaring asahan ang maaliwalas ngunit malamig na Pasko sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Biyernes, Dis. 24.

Dagdag ng PAGASA, ang northeast moonson o amihan ang kasalukuyang umiiral sa dulong bahagi ng hilagang Luzon kaya’t aasahan ang pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Samantala, ang Intertropical Convergence Zone ITCZ ang pangunahing nakaaapekto sa southeastern portion ng Mindanao. Makulimlim na panahon at kalat kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa silangang bahagi ng Mindanao ang mararanasa sa loob ng 24 oras.

Generally fair weather ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila maliban sa ilang tsansa ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maaaring namang maranasan ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng ITCZ sa mga lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del sur, Dinagat Islands, Davao Oriental.

Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may tsansa ng pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mangingibabaw sa buong bahagi ng Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao, ayon sa weather bureau.

Kasunod ng pagkalusaw ng sama ng panahon sa labas ng PAR, kasalukuyang walang gale warning ang itinaas ng PAGASA sa buong dagat-baybayin ng bansa.

Malayang makakapalaot ang mga mangingisda maging ang may maliliit na sasakyang pandagat.