Walang operasyon ang Pasig River Ferry Service (PRFS) sa Disyembre 25, Araw ng Pasko, at Enero 1, 2022, Bagong Taon. 

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mananatili namang operational ang ferry service sa Disyembre 27, 28, 29, at 30 (Rizal Day). 

Sa susunod na taon, regular na muli ang operasyon simula Enero 3, 2022, Lunes. 

Idinagdag pa ng MMDA,sumakay nang libre sa mga istasyon ng Pasig River Ferry Service.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Sa Pasig City, may istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan; Guadalupe, at Valenzuela sa lungsod ng Makati; Hulo sa Mandaluyong City; at Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, at Escolta naman sa lungsod ng Maynila.

Bella Gamotea