Ibinida ni 'Eat Bulaga' host Paolo Ballesteros ang kaniyang unica hija na si Keira Claire, dahil sa pagkakaroon nito ng matataas na grades, dahilan upang maging first honor ito sa kanilang klase.

"GOOD MORNENG! Flex ko lang yung 1st honor kong junakiz (talong heart emoticon) i love you anak berigood!" caption ni Paolo sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 19, 2021.

Kalakip ng IG post ang screengrab ng nakuhang report card ng anak. Ang General Average nito sa letter grade ay A- at sa numeric naman ay 93. 4417.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Screengrab mula sa IG/Paolo Ballesteros

Bumaha naman ng pagbati mula sa kaniyang mga celebrity friends gaya nina Ryan Agoncillo, Maja Salvador, Pokwang, DJ Loonyo, Neri Miranda, KaladKaren Davila, Ciara Sotto, at Neri Miranda.

Nagpaabot din ng pagbati ang news anchor na si Mariz Umali.

Anak ni Paolo si Keira Claire sa kaniyang ex-gf na si Katrina Nevada.

Noong Mayo, ibinida rin ni Paolo ang pagtatapos sa elementarya ng kaniyang anak with flying colors.

Si Paolo ay proud member ng LGBTQIA+ community.