Dahil sa banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask.

Sa kanyang “Talk to the People” nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas ay malaking tulong aniya ito upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Dahil dito, pinayuhan ni Duterte ang mamamayan na huwag munang itapon ang mga face shield dahil ito ay magagamit bilang doble proteksyon.

“Continue using it I adviseyou. I really firmly believe that the wearing of face shield has contributed a lot.

National

Bong Go, pinagtanggol si Ex-Pres. Duterte hinggil sa drug war: ‘Hindi ba kayo nakinabang?’

Nitong nakaraang mga buwan ay tinanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng face shield matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“It might be not really a well-studied proposition but I would dare say that the shield will add another layer of protection,” giit pa ng Pangulo. 

Matatandaang nahawaan na rin ang bansa ng nasabing variant na unang nadiskubre sa South Africa kamakailan.

Beth Camia