Inilabas na ang official teaser ng isa sa mga pambalang handog ng ABS-CBN sa 2022: ang Mars Ravelo's Darna: The TV Series, sa naganap na ABS-CBN Christmas Special nitong Disyembre 18, 2021 ng gabi.

Naipakita kaagad sa naturang teaser ang acting prowess ni Jane bilang Narda. Naipasilip na rin ang pagpapasa sa kaniya ng bato ni 'old Darna' na si Iza Calzado na kaniyang ina, gayundin ang kaniyang katambal na si Joshua Garcia, at ang kalabang si Valentina na gagampanan ni Janella Salvador.

Jane De Leon (Screengrab mula sa FB/JRB Creative Production)

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Naipasilip din si Jerald Napoles na para bang isang zombie. Magiging kalaban kaya siya ni Darna?

May tumatak kaagad na linya rito si Narda.

"Ang pinakamalaking kasalanan daw ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa," saad ni Narda na ginagampanan ni Jane.

Jane De Leon at Iza Calzado (Screengrab mula sa FB/JRB Creative Production)

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen sa napanood na teaser:

"Pasabog na first teaser pa lang, pero for sure may igaganda pa to. Tiwala kami sa n'yo @JRBcreativeprod at direk Chito."

"Nakaka-excite naman juice ko teaser pa lang… kailan ba costume reveal?"

"Sana may prangkisa na ang ABS-CBN kapag ipinalabas 'yan…"

"At least yung Narda rito malakas at matapang na kumbaga hindi gaanong umaasa sa bato. Ang pangit naman kasi kung mahina si Narda taposs lumalakas lang dahil sa bato na galing sa Planet Marte."

Jane De Leon, Joshua Garcia, Janella Salvador, at Jerald Napoles (Screengrab mula sa FB/JRB Creative Production)

Ang TV series na ito ay hatid ng JRB Creative Production Unit sa ilalim din ng ABS-CBN.