Nangako na si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas ang gobyerno ng ₱2 bilyon para sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.

Ito ang inanunsyo ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Linggo, Disyembre 19.

Aniya, inihayag ito ng Pangulo nang magpatawag ito ng pagpupulong sa mga alkalde ng mga lalawigang sinalanta ng bagyo na binisita niya nitong nakaraang linggo.

Nang tanungin si Nograles kung may sapat na pondo ang pamahalaan upang matulungan ang mga biktima ng bagyo, tiniyak nito na gumagawa na ng paraan ang pamahalaan kaugnay ng usapin.

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

“Hahanapan po talaga natin ng paraan ang lahat ng pangangailangan especially pagdating sa pondo," aniya.

Paliwanag nito, ang nasabing tulong ay ipinangako rin ni Duterte sa mga gobernador na nakausap niya nitong Sabado.

“We are trying to raise the money… Alam mo, depleted and budget natin. Naubos talaga ang pera natin. We prioritized the expenses,” pahayag pa ni Nograles.

Argyll Geducos