Nagkasa na ang Department of Trade and Industry ng price freeze sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyong 'Odette.'

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez sa ginanap na laging handa briefing, kailangan munang isailalim sa state of calamity ang mga lugar na tinamaan ng bagyo bago pa maipatupad ang price freeze.

Ipinaliwanag ng DTI, hindi naman nagkaroon ng problema ang mga suplay ng pangunahing bilihin sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Giit nito, mas kinakailangan na mabigyang kasiguruhan na maihahatid sa tamang oras ang suplay ng mga basic commodities sa Visayas at Mindanao upang maiwasan ang pagkakaroon ng kakulangan ng suplay na maaaringmagdulot ng pagtaas ng presyo ng mga ito.

Beth Camia