CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camariner Sur - Apat na umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay matapos makasagupa ng mga sundalo sa Masbate nitong Biyernes ng madaling araw.

Inaalam pa ng militar ang pagkakakilanlan ng apat na rebelde.

Binanggit naman ni 9th Infantry Battalion(9ID) spokesperson Army Capt. John Paul Belleza, nakasagupa ng mga tauhan ng2nd Infantry Brigade (2IB) ng Philippine Army ang mahigit sa 20 na rebelde sa hangganan ngBrgy. Baras sa Esperanza at Brgy. Manlut-od sa Placer sa Masbate dakong 5:50 ng madaling araw.

“Upon tip-off of concerned citizen, troops from 2IB supported by PNP promptly responded thus skirmish ensued,” ayon sa opisyal.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Walang naiulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Narekober sa encounter site ang matataas na uri ng baril,rocket-propelled grenades (RPGs), hand grenade, anti-personnel mines at mga propaganda materials.

Niño Luces