Unti-unti nang nakakamit ng pamilya Maguad ang hustisya para sa magkapatid na sinaCrizzle Gwynn atCrizville Luois Maguad nang umamin ang adopted daughter ng pamilya na si "Janice" sa pagpatay sa mga biktima.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/11/2-anak-ng-principal-dedo-sa-saksak-at-martilyo/

Ayon sa panayam ng "NewsLine Mindanao" sa ama ng mga biktima na si Cruz Maguad, sinasabi nitong inggit at selos umano ang dahilan kung bakit pinatay ni Janice ang kanyang mga anak.

Gusto raw umano kunin ni Janice ang puwesto ng kanyang anak na si Crizzle Gwynn.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isang working student si Janice at ang mismong isa sa biktima na si Crizzle Gwynn ang nag-udyok sa kanyang mga magulang na patirahin ito sa kanilang bahay. Parang tunay na magkapatid ang naging turingan ng isa’t isa.

"According sa narinig naming confession niya [Janice], is nagseselos daw talaga siya kay Gwynn--naiinggit siya kay Gwynn. So kaya nga galit na galit siya kay Gwynn dahil gusto niyang kunin talaga ang place ni Gwynn," ani Cruz.

"Kasi narinig ko, na yun ang personalidad niya kapag galit siya sa isang tao talagang kukunin niya," dagdag pa niya.

Noong Disyembre 10 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang krimen. Naging isa sa persons of interest at material witness si "Janice" dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.

Bago magpost sa Facebook, nagpadala muna siya ng mensahe sa chat room ng pamilya na pinasok umano angbahay nila ng mga 'di kilalang tao dakong 2:58 ng hapon. Matapos nito, nagpost sa Facebook si Janice alas-3:04 ng hapon para humingi ng tulong.

Mas naging kahina-hinala umano si Janice nang magpalit ito ng pangalan sa Facebook.

Gayunman, kasalukuyang nasa kustodiya ngSocial Welfare and Development Office sa M'lang, North Cotabato si Janice dahil ito ay menor de edad at nahaharap ito sa kasong murder.

Samantala, patuloy pa rin hinahanap ng mga pulis ang isa pang kasamahan ni Janice.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/14/suspek-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings-hindi-pa-rin-matagpuan-pabuya-umabot-na-sa-p500k/