Humigit-kumulang 175 overseas Filipinos, kabilang ang mga seafarer, mga indibidwal na apektado ng lumalalang sigalot at mga biktima ng human traficking mula sa Netherlands, Ethiopia, at Syria ang balik-bansa na kamakailan, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nasa 150 stranded na mga Pilipino, karamihan ay mga seafarer, ang dumating sa bansa mula sa Amsterdam, Netherlands nitong Sabado, Dis. 11.

“The arrival of this flight is a first step in bringing home our stranded kababayan in Europe. We give thanks to our men and women both at our embassies abroad and at home for working round the clock and making sure that the much needed certifications and clearances were issued and properly acted upon,” sabi ni Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) Undersecretary Sarah Lou Arriola.

Labing pitong overseas Filipinos, kabilang ang 12 na bata, at isang sanggol, ang iniuwi mula sa Ethiopia nitong Linggo, Dis. 12.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Ayon sa DFA, sila ang unang batch ng mga repatriate nang itaas sa Level 4 o mandatory evacuation para sa overseas Filipinos dahil sa tumitinding sigalot sa ilang bahagi ng bansa.

Pinadali ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt ang kanilang ligtas na pagdaan mula Addis Ababa Cairo at Manama para sa kanilang pagdating sa Maynila.

Bukod dito, walong overseas Filipino workers na biktima ng human trafficking at illegal recruitment ang pinauwi noong Dis. 7 mula sa bansang Syria.

Kasalukuyang tinutulungan ng embahada ang mga biktima na magsampa ng kaso laban sa kanilang mga illegal recruiter sa Pilipinas, Malaysia, Dubai at Syria.

Betheena Unite