Aabot sa 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱3,450,000 ang nasamsam sa isang umano'y big-time drug pusher sa Parañaque City nitong Linggo.

Kinilala ni Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg ang naarestong suspek na si Jimmy Kasim, nasa hustong gulang, at taga-Quiapo, Manila City.

Nagkasa ng joint drug buy- bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang fastfood chain parking lot na nasa San Antonio Avenue, Parañaque City dakong 11:00 ng umaga na ikinaaresto ng suspek.

Narekober kay Kasim ang iligal na droga at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sasampahan si Kasim ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa kustodiya ngayon ng PDEA.

Bella Gamotea