Habang isang karangalan para kay Kapuso star Marian Rivera ang mapabilang sa selection committee ng Miss Universe pageant ngayong taon, hindi naman mapigilang mag-fanboy ang asawa nitong si Dingdong Dantes.

Kasamang lumipad ni Marian si Dingdong patungong Eliat, Israel. Kasabay ng preparasyon ni Marian sa kanyang tungkulin bilang isang hurado sa prestihiyusong international pageant, ilang mga larawan ang ibinahagi ng asawang si Dingdong na hindi maitago ang pagka-proud sa asawa.

Nitong Biyernes, Dis. 10, isang larawan ni Marian ang ibinahagi ni Dingdong sa kanyang social media kung saan makikitang pinag-aaralan ng Primetime Queen ang profile ng mga kandidata.

“Enjoying the beautiful view here in Eilat while doing her due diligence to prepare for the big day as part of the Miss Universe Selection Committee,” ani Dingdong.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“I'm proud of you, Marian Rivera,” dagdag niya.

Maging sa naganap na preliminary competition, hands-on ang pag-alalay ni Dingdong kay Marian. Proud pang ibinahagi ng aktor na naging water boy siya ng kanyang asawa.

“I don’t mind being this judge’s Water Boy during tonight’s preliminary event,” sabi ni Dingdong sa isang post kasama ang larawan ni Marian na nakangiti sa kanyang upuan, all-set na para sa kanyang pagiging bahagi ng selection committee.

Taong 2014 nang ikasal sa tinaguriang “royal wedding” ang Kapuso couple. Sa ngayon, mayroon na silang dalawang anak: sina Zia at Sixto.