Binasag na ni Power Diva Angeline Quinto ang kaniyang katahimikan hinggil sa chismis na siya ay buntis, sa exclusive interview ni King of Talk Boy Abunda, sa 'The Purple Chair Interview' sa vlog ng talk show host, na umere nitong Disyembre 10.

Angeline Quinto at Boy Abunda (Screengrab mula sa YT/The Boy Abunda Talk Channel

"Magiging nanay na po ako," pag-amin ni Angge kay Tito Boy.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Oo o hindi: Buntis ka ba, Angge?" pagkaklaro ni Tito Boy.

"Opo, Tito Boy," direktang pag-amin ng singer.

Napunta sa pag-amin si Angeline nang usisain ng talk show host ang cryptic Instagram post ng Kapamilya singer tungkol sa 'Chapter One' ng kaniyang buhay. Hindi lamang umano ito sa pagmo-move on niya sa pagpanaw ni Mama Bob.

Excited na umano si Angge sa bagong yugtong ito ng kaniyang buhay.

Sa Abril umano magsisilang ng kaniyang sanggol si Angeline. Ang ama ng kaniyang anak ay kaniyang non-showbiz boyfriend na nakilala niya sa pamamagitan ng common friends. Isang taon na umano ang kanilang relasyon, at nakilala pa ito ni Mama Bob noong nabubuhay pa ito. Hindi na nagbigay pa ng mga detalye si Angge sa pagkakakilanlan ng kaniyang karelasyon.

Matatandaang bago pa man ang kumpirmasyon ni Angge ay nauna nang ichika ni Ogie Diaz ang kumpirmasyong nagdadalantao ang Kapamilya singer, at limang buwan na umano ito na isang baby boy.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/09/pambubuking-ni-ogie-diaz-angeline-quinto-kumpirmadong-preggy/">https://balita.net.ph/2021/12/09/pambubuking-ni-ogie-diaz-angeline-quinto-kumpirmadong-preggy/