Hustisya ngayon ang sigaw ng mga kakilala at mga kamag-anak ng dalawang magkapatid na pinatay sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagontapay, M'lang North Cotabato pasado ng alas dos ng hapon ng Disyembre 10.

Kinilala ang mga biktima na sina Crizzle Gwynn, 18, at Crizzule Luois Maguad, 16, parehang anak ng principal ng M'lang National High School.

Ayon sa imbestigasyon, pinasok ng mga hindi pa kilalang salarin ang bahay ng mga biktima kung saan walang awang pinagsa-saksak at minartilyo ang mga ito.

Narekober sa crime scene ang duguang damit ng mga suspek sa likod ng bahay at kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa magkapatid.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Samantala, nakaligtas naman ang kanilang kasama sa bahay na kinikilala sa pangalan na "Janice," na sinasabing nakatago pa sa loob ng silid kung kaya ay nakapag-post pa sa kanyang Facebook upang humingi ng tulong.

Sinabi naman ni Mlang PNP Chief Police Lt Col Realan Mamon, may komosyon pa sa pagitan ng mga suspect at mga biktima at halatang galit na galit.

Magbibigay naman ng Php 200,000 na pabuya si Vice Mayor Joselito Piñol, at Php 50,000 naman mula kay Mayor Pip Limbungan ng Tulunan sa makakapagturo kung sino ang nasa likod ng karumal dumal na krimen.

Ngayon, patuloy parin ang pangangalap ng impormasyon ang mga PNP sa mga posibleng suspect at pinaigting ng LGU sa lugar ang pagsasagawa ng malalim na imbestisyon upang mabilis na matuntun ang mga suspect at mahuli ang mga ito.