Isa ang Kapamilya singer at tinaguriang 'Power Diva' na si Angeline Quinto ang naging paksa sa chikahan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa December 9 episode ng 'Showbiz Update' sa YouTube channel ni Mama Ogie. 

Buking ni Ogie Diaz, batay raw sa nasagap niyang chika, kumpirmado raw ang napababalitang 'jontis' si Angeline, at limang buwan na raw ito.

"Ako ang nasagap ko, 5 months…ang sabi sa akin, lalaki. Kasi may common friend kami ni Angeline, nagchika sa akin na 5 months nang preggy si Angeline, sa isang non-showbiz… at lalaki ang first baby," wika ni Ogie. Nagpalakpakan naman sila at nagsambit ng 'Yehey!'

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Angeline Quinto (Screengrab mula sa YT/Showbiz Update)

"Sana totoo…" sabi ni Mama Loi.

"Anong sanang totoo? Totoo nga…" giit pa ni Ogie.

Matatandaang noong Nobyembre, kumalat ang isyu na buntis si Angeline dahil sa teleprompter na nahagip ng camera para sa kaniyang concert na '10Q'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/power-diva-angeline-quinto-buntis-nga-ba/">https://balita.net.ph/2021/11/29/power-diva-angeline-quinto-buntis-nga-ba/

Marami rin umano ang nakapapansin na maumbok na ang tiyan ni Angeline at nanaba ulit ito.

Sa panayam naman ni Cristy sa kaibigang Kapamilya singer ni Angge na si Erik Santos, matatandaang napainom lamang ng tubig si Erik nang matanong siya ng showbiz columnist tungkol dito.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula mismo kay Angeline hinggil sa pagbubuntis niya.