NUEVA ECIJA - Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa harap ng bahay nito sa Brgy. Inspector sa Sta. Rosa, nitong Miyerkules ng gabi.
Ang biktima ay kinilala ni Sta. Rosa Police chief, Maj. Fortune Dianne Bernardo, na si Emiliano Muncal, 52, na binawian ng buhay habang ginagamot sa Nueva Ecija Doctors' Hospital sa Cabanatuan City dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Kagagaling lamang umano ng biktima sa kanyang mga kamag-anak matapos ipagdiwang ang Immaculate Conception Day nang maganap ang krimen dakong 7:19 ng gabi.
Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ipaparada na sana ni Muncal ang motorsiklo nito sa harap ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.
Kaagad na tumaas ang dalawang lalaki lulan ng motorsiklo patungong Sta. Rosa-Tarlac Road, ayon pa sa mga pulis.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.
ArielAvendañoatLiezleBasa Iñigo