Ayon sa bagong executive order (EO) No. 152 na pinirmahan ni Pang. Rodrigo Duterte, isinusulat na ang 'Lapulapu' nang walang gitling o (-) .

Ang EO No. 152 ay inamenduhan ang EO. No. 55 na nagbibigay ng Orden ni Lapu-Lapu, isang parangal na ipinagkakaloob sa opisyal ng gobyerno at pribadong empleyado na nakapagbigay ng katango-tanging kontribusyon sa kampanya at adbokasiya ng presidente at ng National Quincentennial Committee (NCQ).

Sa ilalim ng EO, isinusulat ang pangalan ng bayani sa hiram na wika bilang "Cilapulapu," na mayroong "Ci" bilang titulong panggalang.

“Adopting a common rendering of the name of Lapulapu, so as to conform to earlier references, will aid in the education of our youth about Philippine history which is foundational to the formation of national identity.”

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Binigyang diin din sa EO na ang pangalang "Lapulapu" ay tumutukoy sa isang Pilipinong buong tapang na lumaban nang naganap ang labanan sa Mactan noong ika-16 na siglo.

“Thus, all references to the name ‘Lapu-Lapu’ in EO No. 17, as amended, and EO No. 55, as amended, are hereby amended to read as ‘Lapulapu.’"

Kaugnay rito, mananatili sa pagsusulat ng "Lapu-Lapu" ang mga lugar na naitatag na sa nasabing baybay.